mga kahon
kung si di-yow-ker ay may baul, ako may mga kahon. marami actually. hindi lang siguro tatlo. ;P
bakit kahon?? kasi mas mura siya pag binibili sa SM. oo, mas maganda ang baul kaso kasi di na rin praktikal kasi bukod sa mabigat (dahil kahoy) eh hindi pa pantay yung ibabaw nung panakip nito. kurbado kasi kaya wala ka nang maipapatong dun sa tuktok nito... lalo na pag gusto mong itago ang pinakamamahal mong baul ngunit gusto mo ring kalimutang may pag-aari kang baul... at ang mga sumusunod na nasusulat ay ang mga nilalaman ng mga kahon:
++ listahan ng mga mabuti pa ++
(nasulat noong 09 Marso 2007, 11:58 pm)
Mabuti pa ang lamok, nabubusog bago mamatay.
Mabuti pa ang buwan, naaappreciate ng tao kahit nakatiwangwang lang sa kalawakan.
Mabuti pa ang mga askal, may mga barkadahan at trippings pa sa gabi.
Mabuti pa ang mga ibon, laging may masisilungan.
Mabuti pa ang MRT, nasasakyan.
Mabuti pa ang mga batang kalye, kinakaawaan.
++ listahan ng mga kailangan pang gawin ++
CWTS 2 - magtranscribe ng mga usapin hinggil sa preserbasyon ng mga nationalist works of art
CL 198 - gumawa ng paper na 7 pages
CL 183 - gumawa ng sandamakmak na glossaries
CL 145 - gumawa ng essay para sa JAL scholarship (ay! oo nga! ngayon ko lang ito naalala! required raw kami, malay raw namin may isa sa aming maipadala sa Japan...)
CL 111 - magbasa pa ng mga short stories (bakit tuwing nasa klase ako ni Sir Dalisay gusto kong sumulat ng kwento... hindi magbasa? hehe.)
Philo 125 - umattend lang ng klase (hooray!!)
++ listahan ng iba pang kailangang gawin ++
-unawain ang mga tao
-kausapin ang mga anak
-kausapin ang mga magulang
-kamustahin ang mga kapatid
-matutong wag maspace out sa gitna ng maraming tao
-maghanap ng trabaho
-magbayad ng utang (pero siyempre maghanap muna ng trabaho para may pera)
-kumain nang tama
++ listahan ng mga bagay na naisip ko lang ++
-nasa harap ako ni Neko (ang aking laptop). iniisip ko kung bakit ko nga ba ipinangalan ang aking laptop sa isang pusa. siguro dahil, aminado ako, hindi ako mahilig sa aso. takot nga sa'kin si Lucky eh. bwahahah! juk! minsan kasi di mo maintindihan ang mga aso: minsan mabait sa'yo at didilaan ang paa mo. minsan naman tatahol na lang na gugulatin ka pa, saka ka pa hahabulin na nakalabas pa ang mga pangil na may laway. samantalang ang pusa: bigyan mo lang ng pagkain, solve na! lalambingin ka pa mabigyan mo lang ng pagkain. hehe... nang-iiwan din, oo, pero babalikan ka pa rin naman kahit papano...
- mainam na wag muna mag-isip ng tungkol sa pag-ibig (lalo pag may exam).
una, kasi di ka na makakahingi ng pagkain kung gutom ka (at wala si Ate Geline, ang 'magic store' sa Yakal).
pangalawa, di mo na siya pwedeng utusan, utangan at hiraman ng gamit (tapos iblackhole mo yung gamit kasi di na niya yun maaalala! hahaha!)
pangatlo, di ka na matitigil sa kakakaconcert ng love songs sa banyo habang naliligo.
pang-apat, mahihirapan kang makalimutan siya (at magwiwish ka na sana goldfish ka na lang na may 3 seconds memory span lang. ayos di ba??)
panglima, magseselos ka lang.
yun lang naman.

3 commentaires:
:) nakakatuwa ang post mong ito kaibigan na may pangarap. :)
may mga baul ding patag ang ibabaw, pero tama ka, mabigat ang mga baul. pero maigi na rin, kasi ang mga nailalagay ay maaring daanan nang mahabang panahon, pwede pa itong gawing tema sa isang palabas ng katatakutan. :P
hi razel and jacq! kumusta na? :p
this cracked me up: "mabuti pa ang lamok, nabubusog bago mamatay." Hehehe
hi, Jef!! :D sorry ngayon lang po ako nagcheck ng blog!! maraming salamat at natuwa ka dun. hehe. :P
Enregistrer un commentaire