mercredi 11 juillet 2007

little things

"Kumain ka na ba? Bigyan kita ng food. Dito lang ako lobby..."

**after some moments of hesitation**
"Sige na nga, baba po ako. Salamat nang marami. :)"


"Kailangan mo pa ba ng tulong sa dormwatch. May kailangan pa bang gawin?"

"Err... kelangan pang iencode yung preaching ni Kuya Caloy."

"Bigay mo na lang sa'kin. Ako na gagawa."

"Ha?! Sure ka?"

"Oo naman."

"Sigurado ka bang talaga? Medyo mahaba yun! Wala ka bang ibang gagawin?"

"Okay lang yun." **smiles** "Kakatapos ko lang ipasa yung project ko kanina."

"Kumusta pala yun?"

"Okay naman, praise God!! Kunin ko na yung kay Kuya Caloy." **smiles again**

**hands the manuscript** "Eto na po pala.."

"Pahinga ka na lang muna."

**at around 3 am**

"Hayy... praise God! Nakapagpahinga na po ako nang mabuti. May mga dumalaw dito sa room. Salamat po ulit. Salamat nang marami. :)"

"Hehe... tapos ko na! Kunin mo na?"

"O? Ang bilis naman! Nasa borg ka ba? Send mo na lang sa'kin dun para di mo na kelangang lumabas."

"Wala ako sa borg eh. Bigay ko na lang sa'yo yung flashdisk ko.."

"Ah, sige. Tapos kunin ko na lang yung file mula sa flashdisk mo saka ko ie-edit dito sa laptop ko."

**meet at the lobby** "Eto na..."

"Salamat po nang marami. Maraming maraming maraming salamat! Hehe... kamukha ng flashdisk ng kapatid ko yung flashdisk mo. Isasauli ko na lang po bukas."

"May flashdisk ka na ba?"

"Wala akong flashdisk eh."

"Iyo na yan."

"Ha?? Okay ka lang?! Anong nakain mo?"

"Iyo na yan. May flashdisk na ako eh." **smile number 5

"Sure ka?? As in sure ka??"

"Tignan mo text ko sayo kanina."

**looks at cell phone

"Sabi mo 'bigay ko na lang sayo flashdisk ko.' Hala, oo nga no!! Hala! Sure ka?"

"Oo naman." **smiles again... grr...

"Maraming salamat. Maraming maraming maraming salamat."

"Okay lang yun. Para may magamit ka."

**inside the room.

Lord, I'm deeply overwhelmed by the small and meaningful things You provide. To You be the glory! :')

1 commentaire:

poy a dit…

ayihi! hahaha!